Camote Diggers: Why Is It Both Powerful and Significant

The Leon Gallery in Makati is holding an auction of paintings at 2 pm on June 22, 2019. With this upcoming event they are also holding an essay contest for one of the paintings: Carlos “Botong” Francisco’s unfinished version of the Camote Diggers.

Oh you know I love writing essays. Haha. So I decided to join the contest on Facebook and Instagram. You can join it too if you’d like. I think it’s for Filipinos only however, it doesn’t say such in the rules. 😁

Who is Carlos “Botong” Francisco?

An excerpt from an Angono, Rizal website:

In addition, Carlos was not just a mural painter but he is also a scriptwriter – of Genghis Khan, Putol na Kampilan and Tatlong Labuyo, and designed costumes for different films such as Romeo at Julieta, Prinsipe Tenoso, Ibong Adarna, Siete Infantes de Lara and Juan Tamad series.

He was rewarded as the National Artist for Painting, considered as the greatest muralist of the country and 1964 Republic of the Philippines Cultural Heritage awardee. He is also part of the modern art movement, with Victorio C. Edades and Galo Ocampo that was known in local art circles as “the triumvirate”. In 1938, it was changed to “the thirteen moderns”, a group of modern artist.

Moreover, some of his works includes the mural made to hang at the Fiesta Pavillion of the Manila Hotel, murals for the residences of prominent Filipinos, the bayanihan scene for the Philippine Bank of Commerce, the four-panel History of Medicine for the Philippine General Hospital, the stations of the cross at the Far Eastern University chapel, and the life of St. Dominic for the Sto. Domingo Church. Lastly, his major masterpiece was the mural that he did for the Bulwagang Katipunan of Manila City Hall.

What is the Camote Diggers?

Botong’s painting of the Camote Diggers is one of the most expensive Filipino paintings to date, sold at PHP 22,192,000 (in 2017) or USD 425,572.50 at today’s currency exchange rate.

Oh well, what do you know… This is just a few hundred thousand pesos short of the price of the preselling resale Westin Manila wellness and luxury property I’m selling. That’s if it was still being sold directly by the developer. My client is only selling the 2 bedroom, 96.52 sqm unit in Ortigas at PHP 21 Million. Or you can contact me to own/invest in a 3 bedroom preselling upscale unit at The Arton by Rockwell in Katipunan for a few millions less than that amount. Cool eh? 😄

Carlos “Botong” Francisco (1912-1969)
Camote Diggers

oil on canvas
1969
10 1/2” x 15” (27 cm x 38 cm)

The above however is not the subject of the essay contest. It is the other bigger and unfinished version of this painting that’s featured in the upcoming auction. See below.

Leon Gallery Auctions Camote Diggers
Screencap from Leon Gallery video

My Art Essay entry

So anyway, I joined the contest right? Now I will share with you what I wrote on the Leon Gallery Facebook and Instagram video and contest post. Too bad I don’t feel like translating it to English yet. Hehe. Enjoy!

Makahulugan at makapangyarihan ang huling gawa ni yumaong Carlos “Botong” Francisco pagkat ipinapakita nito ang katotohanang pilit nating itinatago sa ating kamalayan: Kahirapan sa Isipan ng mga Pilipino.

Maaari nating tingnan ang obra maestrang ito sa dalawang paraan, depende sa pananaw natin sa buhay: isang negatibo at isang positibo.

Una nating iisipin ay ang negatibo. Sa gawa ni Mang Botong, makikita natin ang dalawang taong naghihirap magbungkal ng kamote. Nagsusumikap mabuhay sa kakarampot na kamote. Bakit? Sila ba ay nilugmok ng sistema? Sila ba ay hindi tinulungan ng gobyerno? Nagtitiyaga silang magbungkal ng kamote upang mabuhay dahil yun lang ang meron sila? Ito ang matatawag nating paglalarawan sa tinatawag sa Ingles na “victim mentality”. Ang kamalayang “kawawa naman ako/tayo” o “tayo ay inapi, mahirap lamang at walang kakayahan.” Kapag palagi tayong nasasabihan na wala tayong silbi, palagi rin nating maiisip na wala nga tayong silbi o kakayahan kahit meron naman.

Pangalawa at mas maganda, isipin natin ang positibo. Ano ang nais iparating ni Mang Botong sa atin gamit ang kanyang gawa bilang inspirasyon? Sa likod ng bawat paghihirap, maaari nating iangat ang sarili natin at sa pag-angat natin, maisasama ang pag-angat ng ating bayan.

close up of hands from Camote Diggers
close up of hands from Camote Diggers Leon Gallery video

Walang masama sa pagbubungkal ng lupa, hindi ba’t dito tayo nakakakuha ng makakain? Bagkus, mula sa pagbubungkal ng lupa, dito tayo nabubuhay di ba? Maski wala kang trabaho kung may lupa at tanim maaari ka nang mabuhay. Kahit makitanim ka nga lang pwede na eh. Ngunit isipin natin, kaninong lupa ba ang pinagbubungkalan ng dalawang taong naipinta? Sa kanila ba o sa iba? Hindi ito mahalaga pagkat kahit saan mo ilagay ang isang Pinoy, matututo itong magbanat ng buto kung nasa tamang pag-iisip ito.

Ayokong isipin na ang gawa na ito ni Mang Botong ang magiging simbolo ng Pilipinas at ng mga Pinoy. Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, sila ang tumutulong sa nakatatanda upang iangat ang bayan. Ngunit naiaangat nga ba o patuloy lamang na pareho pa rin ang sitwasyon?

Kung ikukumpara natin, ang Pilipinas ngayon ay hamak na mas maunlad kaysa noon. Maari nating pagtalunan iyan pero isipin mo, gaano karaming Pilipino ngayon ang nagkakapera kahit walang lupang binubungkal, kahit walang inaaning mga tanim? Gaano karaming mga Pilipino ang kumikita gamit ang internet, nagkakatrabaho dahil sa kasalukuyang teknolohiya? Hindi ba’t lahat tayo nagsimula sa ibaba? Kung mananatili tayong nakatuon sa buhay sa ibaba, hindi natin maiisip tumingala.

Kung kaya narito tingnan natin ang isang paglalarawan sa mga Pilipino noon at ngayon na nais lamang makita ang pagkalugmok ng sarili at kawalang pag-asa. Huwag natin hayaang ang obra maestrang ito ang maging simbolo ng pagsisikap natin sa wala, bagkus gamitin natin itong inspirasyon na sa pagsusumikap at matinding kagustuhan umangat sa buhay, maaari tayong makaalis sa kahirapan. Pwede nating isipin na mabuhay ng malaya sa nakalarawang paghihirap at pagkaawa sa sarili. Maaari tayong gumawa at humakbang, maski paunti-unti, patungo sa pag-unlad kahit sabihin nilang hanggang pagiging mahirap lang ang kaya natin.

Ito ay isang paanyaya ng pag-aaklas sa pananatiling nakatuon sa kahirapan at pagsusumikap ng mabuti upang balang araw ay guminhawa naman ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Marami nang naisulat na tunay na salaysay ng mga Pilipinong nagmula sa hirap at naging matagumpay. Nakawala sila sa mahirap na kamalayan sa sarili nilang kagustuhang umangat sa buhay. Kaya rin nating umangat kung babaguhin natin ang ating kaisipan na hindi lamang kamote ang maaaring bungkalin at gawing kabuhayan. Maganda itong simula ngunit meron pang ibang mga bagay na maaaring makamit kung gusto talaga nating umahon sa kahirapan.

Sa pamamagitan ng gawa ni Carlos “Botong” Francisco, maisip nawa natin na magtulungang iangat ang sarili. Hindi tayo maiaangat ng iba kung mananatili tayong nakalugmok sa sariling putik at ayaw umalis doon. Ang bawat isa sa atin, gaya ng pagbubungkal ng nakapintang matanda o ng nakababata ay dapat matutong magturo at magpahayag ng pag-asa, tumanggap ng pagbabago at paglaon ay magsumikap at magtanim rin upang umani at umangat sa buhay. Ito lamang ang paraan upang makadagdag at makatulong tayo sa pag-unlad ng pamilya at paglaon pati ng buong Pilipinas.

#TheLastBotongCritique

* * * * * * * * * * * * * * * * * *


Kelangan Tagalog entry para sapul sa puso. Hehe.

Anyway, you can also submit entries in English if you’d like. Deadline is at 12 noon, June 17, 2019. 1st Prize is P20,000, 2nd prize is a painting. I’d rather have the first prize, thank you very much. 😄 😆 Good luck to us!

Btw, if you understood what I wrote, what do you think of my essay? 😅

Edit: Update or winner announcement here.

Originally posted on Steemit.

Don’t have a WordPress blog/site yet? Sign up now.

Share what you think

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.